Panoorin: VIRAL VIDEO NG YOLANDA PINAG-UUSAPAN NG MGA NETIZENS
Napakaraming isyu ngayon sa Pilipinas. Nandiyan ang isyu ng illegal na droga. Merong isyu sa Spratlys. Nandiyan din ang isyu ng korapsyon.
Merong isyung lagi na lang nating naririnig lalo na kapag eleksyon. Ang isyu? Yolanda funds.
Sa usaping Yolanda, siguradong ilang sources na ang nababasa mong nagsasabing: ito ang katotohanan. Pero kung ikaw ay tatanungin, tama ba at credible ba ang mga sources na ito? Ito nga ba ang talagang nangyari?
Kung ang sagot mo’y hindi, merong isang video na dapat mong panorin.
Ang videong ito’y sumikat at kumalat sa social media — lalung-lalo na sa Facebook. Libo-libong mga Pilipino ang nagshare nito. Kahit iba’t ibang mga pages at groups, ipinakalat din ang video na ito. Lahat sila’y ito ang pinaguusapan noong long weekend.
Kung ang iniisip mo ay “Baka naman fake news yan kaya nag-viral.” Hindi ka naman masisisi dahil marami talaga ang fake news na kumakalat ngayon. Pero ang sagot kung fake news ba ang video na ito, ay hindi.
Sa katunayan, ang video na ito’y nakatanggap ng iba’t ibang magagandang mga comments mula sa mga netizens dahil sa napulot nilang impormasyon tungkol sa Yolanda. Dahil daw sa video, mas naintinidhan lalo nila ang isyu ng Yolanda. Dahil din sa video, marami ang nagalit sa napakaraming kasinungalingan at fake news na ginagamit ang Yolanda.
Klaro naman na ang problema ay wala sa Yolanda funds kundi nasa FAKE NEWS.
Kung ikaw ay nacu-curious kung ano ang laman ng video na nakatulong sa maraming mga netizens, lalo na sa mga millennial, simple lang: paliwanag sa Yolanda na walang halong propaganda, kasinungalingan, at fake news.
May isa pa ngang netizen ang nagcomment mismo na siya ay may kamag-anak na naapektuhan ng Yolanda at galit na galit sa mga kasinungalingang pinapakalat tungkol sa Yolanda. Narito ang comment niya:
May kaparapatan talaga siyang magalit dahil buhay ng kanyang kamag-anak at ng libu-libong naapektuhan ng Yolanda ang nasisira dahil sa fake news. Tama siya na ito ang nakakalungkot na realidad ng pulitika sa bansa kaya naman siya’y nanawagan na itigil na ang fake news at dapat isulong ang katotohanan.
Makikita din na maraming mga Pilipino ang sumasangayon sa real talk ng netizen na ito.
Ano nga ba ang mga katotohanan tungkol sa Yolanda na dapat malaman ng mas maraming Pilipino?
Narito ang ilan sa mga lumabas sa video:
Ayon sa video, documented ang paggamit ng Yolanda funds. Ito’y nirelease ng Department of Budget and Management at napunta nga sa Tacloban para sa pagpapagawa ng mga local government buildings na nasira nung Yolanda. Personal na nilakad ni Sec Mar ang pagbibigay ng pondo noon sa Leyte.
Lumabas din sa video na maraming mga bahay na ang napatayo para sa mga Pilipinong nasalanta ng Yolanda. Marami din ang kasalukuyang pinapagawa pa.
Sa kasalukuyan, binanggit din ng video na ang ibang pondo ay gagamitin ng kasalukuyang administrasyon para sa pagaayos at pagrehabilitate ng Marawi. Ito’y gagamitin upang makatulong sa mga muslim nating kapatid na naapektuhan sa Marawi.
Ibang-iba sa sinasabi ng fake news na ninakaw ni Mar ang pondo para sa kampanya di ba?
Ngayon, baka iniisip mo: “Pinagtatakpan lang ng video ang tunay na may kasalanan na si Mar Roxas!”
Ang sagot? Hindi. Sinabi pa nga sa video na dapat imbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno na humawak talaga sa pondo ng Yolanda efforts. Isa na dito ay ang Mayor ng Tacloban na si Romualdez. Ayon sa video at iba pang mga credible sources, ang mayor na ito’y nagwaldas ng halos P1B na pondo para sa Yolanda.
Kung gusto mong malaman ang iba pang katotohanan tungkol sa Yolanda, narito ang link ng video:
Ikaw na ang magsabi kung ano ang katotohanan sa Yolanda — kung saan ginastos ang pondo at kung sino talaga ang dapat panagutin.
Pag nalaman mo na ang tunay na sagot dito, siguro naman makikita mo ang tunay na problema ng bansa: FAKE NEWS.
Sources:
- http://www.officialgazette.gov.ph/faith/
- http://www.pca.da.gov.ph/index.php/10-news/154-pca-head-says-yolanda-fund-fully-accounted-for
- https://www.rappler.com/nation/141258-coa-tacloban-misspent-yolanda-funds
- https://www.officialgazette.gov.ph/typhoon-yolanda-funding-requirements-and-fund-releases/
- http://www.pna.gov.ph/articles/1015254

Comments
Post a Comment